Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 617

Ika-11 na labas

“And now you’re missing her like crazy, kasalanan mo kasi eh.”

Abante Hiring – IT dep

“Oo na, it’s all my fault, hindi ako nag-isip or maybe hindi ako nakapag-decide nang tama.”
Hindi na kumibo si Jed. Medyo tumaas na kasi ang tono ng boses ni John.

Patuloy naman sa pagkalap ng impormasyon si Dave. Hanggang sa isang araw… habang bumibili siya ng sigarilyo sa isang matandang babae sa gilid ng simbahan ay natawag ang atensyon niya ng isang leaflet na nakapatong sa maliit na mesa ng vendor.

“Manang pwedeng mahiram ‘to?”

“Sige sa’yo na ‘yan, binigay lang ‘yan nu’ng suki kong madre kanina eh.”

Ang nakatawag sa atensyon niya ay ang nakasulat sa leaflet na “ISLAND FOR BROKEN-HEARTED”

“Nakakatawa naman ‘to! Meron bang ganito?”

Napaisip si Dave.

“Kung broken-hearted si Gabbie nu’ng umalis siya, posible kayang dito siya nagpunta?”

Muling bumaling si Dave sa matanda.

“A, Manang, sino nga ho ulit ang nagbigay sa inyo nitong leaflet?”

“Si Sister Olivia, puntahan mo na lang siya sa simbahan kung interesado ka diyan sa leaflet.”
“Okay po, salamat!”

Sa opisina ng simbahan pinuntahan ni Dave si Sister Olivia. Maayos naman siyang hinarap nito at pinaupo.

“Tungkol ba diyan sa hawak mong leaflet?” Tanong ng madre.
“Opo sana.”

“Island resort iyan na pag-aari ng kapatid kong pari sa probinsya. Isang napakagandang resort at isang grupo ng mga kababaihan ang binuo diyan na tutulong sa kapwa nila mga babae para makalimot sa pagiging broken-hearted.”

“Puro mga babae lang po?”

“Oo, kasi ang kapatid kong pari nasaksihan niya, namin, kung paano nagdusa ang aming ina noong iniwan kami ng tatay namin, ikinamatay iyon ng aming ina. Kaya ang kapatid ko na nagmana ng lupain namin sa probinsya, ipinasya niyang gawin iyong resort at ialay sa alaala ng aming ina.

Ang iba ko pang kapatid na babae ay bumuo ng grupo na aalalay sa mga babaeng sawi sa pag-ibig upang makabangon, magkaroon ng bagong pag-asa, at hindi matulad sa aming ina.”

Napahugot ng malalim na hininga si Dave.

“Teka, broken-hearted ka ba?” tanong ng madre.

Natawa ang binata.

“Hindi po…”

Related Posts

“Mabuti naman, kasi para lang iyon sa mga kababaihan. Kung gano’n ano’ng kinalaman ng leaflet na’to sa pagpunta mo rito?”

“Ahm…m-may kakilala po kasi akong broken-hearted… Irerekomenda ko ito sa kanya. Kaya lang walang nakalagay na address eh!” Pagsisinungaling ni Dave.

“Sadyang hindi namin inilagay ang address bilang pagprotekta sa mga nais dumulog sa amin.

Ipinaaalam lang namin ito sa mga mismong nagnanais pumunta at humingi ng tulong. Ang mabuti pa, papuntahin mo rito ang kaibigan mo at ako ang kakausap sa kanya.”
“Okay po, no prob!”

Nagpaalam na si Dave sa madre.

Hindi makapaniwala si Alfie na papatulan ni Dave ang island resort na iyon.

“’Tol, sigurado ka? Tingin mo maliligaw doon si Gabbie?” Napapakamot sa ulong tanong ni Alfie habang pinapanood si Dave sa pag-iimpake sa silid nito.

“Kailangan kong sumubok sa lahat ng posibilidad. Malaking pera ang nakasalalay dito!”

“At malaking pera din ang mawawala sa’yo dahil sa laki ng gagastusin mo pagpunta sa Island na ‘yan.”

“Relax ka lang, mababawi ko lahat ang gagastusin ko. Saka parang ‘di mo naman ako kilala, matipid akong tao.”

“Oo na, ikaw na ang hari ng kakuriputan, no wonder kung bakit hindi tumataas ang level ng pagiging detective mo, #inspectordave!” Biro pa ni Alfie sa kaibigan.

“Wala akong panahon sa biro mo, uubusin ko ngayon ang panahon ko sa paghahanap sa babaeng ‘yon para ma-enjoy ko na ang pera ko!”

“Goodluck man!” Tinapik pa ni Alfie si Dave sa balikat bago lumabas ng silid.
“’Oy, ‘tol sandali!” habol ni Dave sa kaibigan.

“Bakit?”

“’Yung si ano, ‘yung babaeng pinakontak ko sa’yo, si Jen, asa’n na?”

“A si Jen na dati mong ano? Baka parating na ‘yon, saglit lang tatawagan ko.”

“Hindi ko naging ano ‘yon.”

“Oo na, oo na.”

Kasama na ni Dave si Jen sa bangka na maghahatid sa kanila sa isa sa mga isla sa Palawan.
“Jen, sure ka ba sa address na sinabi sa’yo ni Sister Olivia?”

“Oo naman. Sinave ko pa nga sa cellphone ko. E teka, saan ka tutuloy habang nasa resort ako?”

“Sa malapit lang, para madali tayong magkakontakan. Basta ‘yung mga pinag-usapan natin tungkol kay Gabbie ‘wag mong sasabihin kahit kanino.”

“Oo na. Alam ko na ‘yon. Basta ‘wag mong kakalimutan ‘yung bayad na pinag-usapan natin.”
“Akong bahala do’n.”

Saglit na katahimikan. Binasag iyon ni Jen.

“Teka, paano kung wala si Gabbie do’n?”

“E ‘di aalis tayo agad. Kailangan masiguro mo na wala nga siya do’n, kailangan makilala mo lahat ang babaeng nandoon para hindi masayang ang lakad natin.” (Itutuloy)