Una sa Balita

Star-Crossed Lovers

By
0 713

Mabibigat ang mga paang humakbang si Gabrielle papasok sa loob ng isang may kalakihan at old style na bahay. Inilibot niya ang paningin sa loob. Halos lahat ng dapuan ng mga mata niya ay puro antigo na. Nakaramdam siya ng lungkot. Hindi niya alam kung bakit.

Nagulat pa siya nang hawakan ni John ang kamay niya.

“Honey, are you afraid? Yeah this maybe an old house pero walang multo dito.” Nangingi­ting sabi ni John.

Abante Hiring – IT dep

“No, hindi naman ako natatakot… parang sobrang lungkot lang ng ambiance dito…”

“Siguro dahil malungkot ang kuwentong nakapaloob sa bahay na’to.”

“T-talaga? Anong kuwento?” Biglang na­ging interesado si Gabrielle.

Naupo si John sa malaki at malapad na sofa bago sinagot ang tanong ng nobya.

“My granny, who’s the owner of this house, she died at hindi ka maniniwala na namatay siya dahil lang sa sobrang kalungkutan.”

“Hon, hindi talaga kapani-paniwala ‘yon!” nakangiting tugon ng dalaga.

“Yeah. Pero totoo, my dad, her only son, siya ang naging saksi sa lahat.”

Naupo si Gabrielle sa tabi ni John.

“Ituloy mo ang kuwento hon, gusto kong marinig.”

“My lolo is an American, minahal siya ng sobra ni lola, after maisilang ni lola ang dad ko, nagpaalam siya kay lola na babalik muna sa America at may aasikasuhin lang na mga importanteng bagay, tapos ay uuwi din daw siya sa lola ko at dito na maninirahan, which is not happened, hindi na bumalik si lolo, at walang nakuhang maski anong impormasyon ang lola ko kung ano na bang nangyari sa kanya… mahirap ang komunikasyon noon, kaya walang nagawa ang lola ko kundi ang maghintay.

Napabayaan niya ang sarili niya sa sobrang kalungkutan, bumagsak ang katawan, tuluyang nanghina hanggang sa isang umaga, hindi na lang siya nagising…”

Hindi makaimik si Gabrielle. Nakadama siya ng labis na kalungkutan dahil sa narinig.

“Gabbie, alam ko malungkot ang kuwentong ‘yon, but that was just a story from the past.”

“Yes… pero totoo silang mga tao, nagmahalan, nasaktan, at hindi na nagtagpo, totoong nangyari ang kuwento nila kaya nakakalungkot talagang isipin…”

Inakbayan ni John si Gabrielle.

“It’s okay hon, hindi naman mangyayari sa’tin ‘yon, and who knows kung magkasama na sila sa heaven ngayon.”

“What if buhay pa pala ang lolo mo?”

Related Posts

Isang malalim na buntong-hininga at kibit-balikat lang ang itinugon ni John sa tanong ng nobya.

San Isidro, Laguna. Nagpunta sila dito hindi para magbakasyon kundi para um-attend ng one-week seminar na may kinalaman sa trabaho nila. Since malapit ang seminar area sa lumang bahay ng lola ni John kaya napagdesisyonan nilang dito na lang tumuloy. Matagal nang walang nakatira dito. Isang katiwala na lang ang nag-aalaga sa bahay.

Two years na ang relasyon nina John Daniel, 30, at Mary Gabrielle, 26.Ang uncle ni Gabrielle ang nagmamay-ari ng kompanyang pinagtatrabahuhan nilang dalawa. Manager na si John samantalang visor naman si Gabbie.

Sa loob ng two years ay nanatiling smooth-sailing ang relasyon nilang dalawa. At sa loob din ng mga taon na iyon ay nanatiling birhen ang dalaga. Pareho kasi nilang gusto ni John na malinis siyang maiharap nito sa altar. Kaya naman ganoon na lang ang pag-iingat nila.

Gano’n pa man, ni minsan ay hindi sila na-boring sa relasyon nila dahil mahal na mahal nila ang isa’t-isa.

“Look hon, okay na ba sa’yo ang room na’to?” tanong ni John kasabay ng pagbukas niya ng pinto ng kuwarto.

“Oo naman, maayos naman at mukhang bagong linis!”

“Oo, pinalinis ko talaga ‘yan kay Manang bago tayo dumating.”

“Ikaw, saan ka matutulog, may iba pa bang room dito?”

“Okay na’ko sa sofa, don’t worry about me.”
“Okay sige, magpapahinga muna ko.”

“Habang nagpapahinga ka, magpapaluto na’ko ng hapunan kay Manang, kakatukin na lang kita pag okay na.”

“Okay.”

Isang masuyong halik sa pisngi ang idi­nampi ni Gabbie sa pisngi ng nobyo bago niya isinara ang pinto.

Samantala. Bored na bored si Dave sa trabaho niya bilang inspector. Lalo na sa mga ganitong eksena sa opisina.

“Inspector Dave, palpak na naman ang last raket mo ah, inspector ka ba talaga?” Nang-iinis na sabi ng kasamahan at best buddy niyang si Alfie.

“Oo na, oo na, baka nga mamundok na lang ako eh!” asar talong sagot ni Dave na ibinaba ang paa niya mula sa pagkakapatong nito sa sariling table.

“Alam mo kung ako sa’yo magbumbero ka na lang, ‘yon baka do’n magkaroon ng liwanag ang trabaho mo haha!”

“Talaga? Gusto mo sunugin kita para may tatrabahuhin na agad ako?”

“Sabi ko nga exit na muna ko, daanan kita mamayang uwian!”

“Kahit ‘wag na!”

Binato pa ni Dave ng sumblero niya ang kaibigan. Nang makalabas na sa opisina niya ay kinuha ni Dave ang isang lumang picture sa drawer ng table niya. Humugot ng malalim na buntong-hininga habang pinagmamasdan iyon. (Itutuloy)