Una sa Balita

Star Cinema may ‘Darna’ audition

0 768

May nag-post sa social media ng tungkol sa pa-audition ng Star Cinema para sa pelikulang “Darna” na pagbibidahan ni Liza Soberano (at sinasabing kasama rin daw si Pia Wurtzbach na gaganap na Valentina).

Ang post na ‘yon ay may hashtag na #Darna2020. Meaning ba ay next year na talaga isasalang ng film outfit ng ABS-CBN ang “Darna”?

Hindi ba talaga isasali ‘yon sa Metro Manila Film Festival 2019?

Well…

Aktor dadalawin sa abroad ang nanganak na dyowa?

May isang showbiz anchor ang nagtanong sa akin kung aalis ba ang isang aktor pa-abrod dahil may tsika raw na nanganak na ang girlfriend nito na nasa ibang bansa ngayon.

Inaalam nga ni showbiz anchor kung true ba ang tsika tungkol sa panganganak daw ng girlfriend ni aktor dahil tahimik lang naman sila sa issue tungkol sa pagbubuntis ni babae.

Pero kung may baby na nga ba sila, for sure, sobrang cute dahil ang cute ni aktor at ang ganda naman ni babae.

Tonton Gutierrez may inamin sa Abante online show

Mamayang 2:00PM, si Tonton Gutierrez ang special guest ko sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page na Abante News Online. Birthday ni Tonton sa Wednesday, kaya may ilang pa-surprise kami sa kanya.

Inusisa ko si Tonton tungkol sa married life nila ni Glydel Mercado at sinabi niyang kaya ok na ok sila hanggang ngayon (kase-celebrate lang nila ng kanilang 15th wedding anniversary) ay dahil never niyang sinasabayan ang init ng ulo ng kanyang misis.

Kapag nagre-react nga raw si Glydel tungkol sa isang bagay ay tahimik lang siya para hindi sila magkaroon ng banggahan. ‘Yan at marami pang mga bagay na dapat tutukan mamaya sa “Anything Goes” online show!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy