Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Stanton, Yankees tinuhog Athletics

0 95

TINALO ng Major League Baseball-best New York Yankees (54-20) ang big league-worst Oakland Athletics (25-50) 9-5 Lunes ng gabi.

Sinamantala ng New York ang dalawang catcher interference calls, isang hit batter at walk para ikasa ang six-run seventh inning. Sinundan ng go-ahead, two-run double ni Josh Donaldson at nakumpleto ang 23rd comeback win.

Sa likod ng tiebreaking three-run double ni Elvis Andrus sa third, dumistansiya ang Oakland 5-1 laban kay Jordan Montgomery.

Pinuno ng New York ang bases sa sixth nang tamaan ng first pitch ni AJ Puk ang kanang siko ni Anthony Rizzo.

Unang dinesisyunang foul ang palo ni Giancarlo Stanton, humingi ng video review si Yankees manager Aaron Boone at natawagan ng pangalawang interference si A’s catcher Sean Murphy kaya nalibreng umiskor ang Yanks para dumikit 5-4. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.