Una sa Balita

Stanley Black & Decker magsasara, 300 mawawalan ng trabaho

By
0 453

BILYONES ang in-invest ng Stanley Black & Decker para sa planta nito sa ­Laguna Technopark noong 2013 subali’t magsasara na ito.

Ayon sa source sa Philippine Economic Zone Authority (PEZA), nag-abiso na ang kompanya sa plano nitong pagsasara ng planta sa Abril 30, 2019.

Sabi ng source sa PEZA, may 300 manggagawa ang mawawalan ng ­trabaho. Sa abiso ng kompanya, sinabi nitong hindi naabot ng kompanya ang global targets sa sales dahil hindi sapat ang demand sa mga produkto kaya’t isasara nito ang planta sa Pilipinas.

Kinumpirma rin ng PEZA na ililipat na lang ng Stanley Black & Decker ang manufacturing nito sa China.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy