Una sa Balita

Standhardinger vs Iran, Pringle kontra Qatar – Guiao

Pambato!

By
0 998

NASA Tehran na ang Team Pilipinas ni Yeng Guiao, may isang araw pang paghahanda bago harapin ang Iran sa second round ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Setyembre 13 ang bakbakan sa Azady Gym.

Base sa rules ng FIBA, 48 oras bago ang laro ay kailangang maisumite na ang final 12 ng magkatunggaling team.

Bitbit ni Guiao ang 16-man pool ng National team sa Iran, apat ang kanyang ii-scratch.

Suspendido ng FIBA ng tig-isang laro sina Japeth Aguilar at Matthew Wright, kaya sigurado nang hindi sila kasama sa final 12.

Nabanggit din ni Guiao bago dumayo sa Iran na may solusyon na kung sino ang naturalized player na gagamitin.

Si Christian Standhardinger na ang gagamitin ni Guiao kontra Iran, si Stanley Pringle naman kontra Qatar sa closed-door game sa Smart Araneta Coliseum sa Setyembre 17.

Isa na lang ang maiiwan.

Ang iba pa sa pool ay sina Greg Slaughter, Scottie Thompson, Alex Cabagnot, Marcio Lassiter, Gabe Norwood, Beau Belga, Raymond Almazan, Poy Erram, Paul Lee, Ian Sangalang, Asi Taulava at Allein Maliksi.