Una sa Balita

Standhardinger, Reid babalikatin ang San Miguel

By
0 344

Mga Laro Ngayon (Smart Araneta Coliseum)
4:30 pm – SMB vs. Blackwater
7:00 pm – Ginebra vs. NorthPort

 
NAGSABWATAN sina Christian Standhardi­nger at AZ Reid para punan ang pagkawala ni June Mar Fajardo at ihatid ang San Miguel Beer sa panalo, 125-112, kontra NLEX Sabado nang gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Susundan ng Beermen ang unang ‘W’ sa PBA Governors’ Cup sa pakikipagtipan sa Blackwater sa first game mamaya sa Big Dome din. Sa nightcap, haha­bulin ng defending champion Ginebra ang pa­ngatlong sunod na panalo kontra NorthPort (0-3).

Abante Hiring – IT dep

Pitong linggo pang mawawala si four-time MVP Fajardo (fractured shin).

Mula airport ga­ling sa Jakarta nang tulungang ihatid ang Team Pilipinas sa fifth place ng Asian Games, diretso sa Cubao si Standhardinger para magsalansan ng team-high 36 points mula 14 of 17 shooting, may 11 rebounds pa sa loob ng kulang 28 minutes kontra Road Warriors.

Nambarako si Reid ng 30 points at 13 rebounds, may 23 points at 9 assists pa si Alex Cabagnot.

Pangalawang salang pa lang ng Elite, inum­pisahan ang season-en­ding conference sa 104-98 overtime win kontra TNT KaTropa noong Agosto 24 sa MOA Arena.

“Defense is the key,” pahayag ni coach Bong Ramos sa gagawin ng Blackwater kontra SMB. “We really have to work double time on the defensive end. If not, SMB will score a lot of points and we’ll have a big problem.”