Una sa Balita

Standhardinger, Paras, Parks, kursunada sa Gilas

By
0 1,629

WALANG dapat ipa­ngamba ang bansa pagkaraang malagasan ng 10 player ang national men’s basketball team ng Gilas Pilipinas para sa pangatlong na home-and-away window games kontra Iran at Qatar simula sa Set­yembre 13.

May 10 ang naparusahan ng International Basketball Federation na binagsak kamakalawa sa Samahang Basketbol ng Pilipinas. Pero umugong na ang mga pangalan ng ilang mga kandidato makaraang sumegunda ang bansa sa 18th FIBA World Cup 2019 Asian Qualifier Group D via 4-2 win-loss record.

Ilan sa kursunada ng mga eksperto’t panatiko na kanilang nai-post na sa social media sina Raymond Almazan, Kevin Ferrer, Mac Belo, Kobe Paras, Bobby Ray Parks, Mike Tolomia, Norbert Torres, at Christian Standhardinger.

Gayundin din sina Greg Slaughter, JP Erram, Ian Sangalang, Marcio Lassiter, Vic Manuel, Scottie Thompson, Jericho Cruz, Paul Lee, LA Tenorio, Abu Tratter at Arwind Santos.

May tatlong buwan sila para magamay ang sistema ng team bilang pamalit kina injured Kevin Alas at suspended Kiefer Isaac Ra­vena (doping test) at mga nasangkot sa gulo noong Hulyo 2 laro sa Philippine Arena sa Bulacan.

Sila ay sina Japeth Aguilar at Matthew Wright na tig-1 larong suspensyon, tig-3 game na wala na sina Terrence Romeo, Jayson Castro, Troy Rosario at Andray Blatche, 5 labang liban sina Jio Jalalon, Carl Bryan Cruz at Roger Pogoy, 6-game out naman si Calvin Abueva.

Six teams ang mga susulong sa Group E sa se­cond round mula sa Group B at D. ()