Una sa Balita

Standhardinger nagtampo, ibabalandra na ni Austria

By
0 1,522

LUMALABAS na ang kalahagahan ni top rookie Christian Standhardinger sa rotation ng San Miguel Beer, lalo sa pukpukang ­Finals ng PBA Commissio­ner’s Cup.

Mula sa eliminations hanggang playoffs, petik-petiks lang kung gamitin ni coach Leo Austria ang 6-foot-8 Fil-German. Binagabag pa ng left knee injury si Standhardinger, kaya sa dulo ng eliminations ay nasa sideline lang.

Pagdating sa championship ay sinasagad na.

Abante Hiring – IT dep

Sinabihan daw siya ng coach na tiyaga muna, unti-unti ay ipapasok din siya sa rotation.

“Nagtatampo na minsan dahil limited playing time niya,” natatawang sabi ni Austria pagkatapos itabla ng Beermen ang series sa 1-1 kasunod ng 134-109 blowout win noong Linggo.

“This is the championship na, just in time,” dagdag ng coach. “He’s a good help sa rotation namin because of (Justin) Brownlee. He could defend Brownlee, puwede sila mag-alternate ni (Renaldo) Balkman.”

Sa 127-99 win ng Gin Kings sa opener ay nagliyab si Brownlee sa 42 points, nalimitahan sa 29 sa Game 2.

“42 points with 5 for 5 from the 3-point line, he’s playing tremendous. But that’s why we need to adjust like we did adjust today and we did a great job,” ani Standhardinger.

Malaking bagay ang pambubulabog ni Stand