Una sa Balita

Standhardinger inutil sa San Miguel

Layas na?

0 3,527

Ipinagkibit-balikat lang ni rookie Christian Standhardinger ang mga balita na iti-trade na siya ng San Miguel Beer.

Hindi nga niya alam kung saan nanggaga­ling ang aniya ay ‘scam’ na balita, fake news kumbaga.

“I’m not worried about those scams,” anang Fil-German.

Bago inayudahan ang Pilipinas sa FIBA 3×3 World Cup noong second week ng Hun­yo, ilang laro nang lumiban ang 6-foot-8 na si Standhardinger sa salang ng SMB sa Commissioner’s Cup.

Pero malinaw na ang iniinda niya sa kaliwang tuhod ang dahilan kaya ipinahinga ni coach Leo Austria, gayundin sa dalawang laro pa pagbalik matapos ang FIBA stint.

Ilan sa lumalabas ay ang tsismis na ibibigay daw siya sa Alaska kapalit ni Calvin Abueva, o sa sister team ng SMB na Magnolia na nanga­ngailangan ng big man dahil wala sina Ian Sangalang at Marc Pingris.

Sigurado raw ang top pick na ipapaalam muna sa kanya sakaling mai-trade siya sa iba.

“I didn’t hear about me getting traded anywhere,” ani Standhardinger. “I think San Miguel organization is professional so far.”