Una sa Balita

Standhardinger ikakahon ng SMB

By
0 129

Tiniyak ng SMB ma­nagement na bibigyan si Christian Standhardinger ng unang three-year contract na magbibigay sa kanya ng P150,000 isang buwan.

Ito ang league maximum para sa isang rookie, pero ang suweldong iyon ay tataas ng 50 percent kada taon.

Kinuha agad ng San Miguel Beer si Standhardinger bilang top pick overall sa 2017 PBA Draft nitong Linggo. Nakuha ng SMB ang rights sa No. 1 pick sa trade mula Kia.

Pero bago mag-full time sa Beermen, kailangan munang tapusin ni Standhardinger ang kanyang kontrata sa Hong Kong Eastern Lions para sa ABL at sa liga sa dating Crown Colony na aabutin ng hanggang Marso o Abril.

Alam na alam ni Standhardinger kung ano ang dala-dala niya sa SMB. “I’m going to bring a lot of passion, a lot of puso, a lot of fight,” pahayag niya sa Robinsons Place-Manila.  

“The rest is kinda on the side. But I’m gonna fight my heart out every time.”

Iyon naman talaga ang inaasahan ng makaka-tandem niya sa SMB na si four-time MVP June Mar Fajardo. Magkasama ang dalawa sa Gilas national team na su­mabak sa FIBA Asia Cup sa Lebanon.

“Nakita ko na sa kanya ‘yong mga traits na ‘yon while we were with Gilas so mas magiging surprising kapag naging malamya siya,” sabi ni Fajardo. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy