Una sa Balita

Standhardinger excited sa mga bagong kakampi

By
0 380

May iniinda sa kaliwang tuhod si Christian Standhardinger, nitong Sabado sumailalim sa MRI.

‘Di naman ganun kalala ang injury, walang dahilan para ‘di siya maglaro sa unang pagkakataon sa bago niyang team na NorthPort.

Sa debut game ng Fil-German mamaya sa Cuneta Astrodome, una pa niyang makakatapat ang San Miguel Beer. Determinado si Standhardinger na maglaro laban sa dating team na nagligwak sa kanya patungong Batang Pier kapalit ni Mo Tautuaa sa nakaraang linggo.

“Last couple of days, I’ve been practicing like crazy. Team practice, Gilas, exercising my knee,” anang top pick ng SMB noong 2017. “So far, it’s holding up so I’m confident.”

Nakadalawang kampeonato ang Beermen nitong Philippine at Commissioner’s Cups kasama si Standhardinger. Gusto rin sana niyang makasama at makumpleto ang paghahabol sa grand slam, pero pinamigay na siya.

Walang sama ng loob ang 6-foot-8 forward sa dating team.

“We’re all professionals and if that’s (trade) what the San Miguel team, what coach Leo (Austria) and management want, then they will do it and there’s nothing much I can do,” aniya. “Obviously, I would like to stay there and finish a grand slam but it is what it is.

Sa ilang araw na nasama sa Batang Pier, maganda aniya ang relasyon nila ng bagong teammates. Wala rin siyang masabi sa team ni coach Pido Jarencio.

“I like that there seems to be a lot of shooters around me, so that’s always a plus,” aniya. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy