Una sa Balita

Standhardinger, Castro, Rosario sinahog vs Iran

By
0 535

BAGONG PUTAHE!

Laro ngayon: (MOA Arena)
7:30 n.h. – Pilipinas vs Iran

BALIK sina Christian Standhardinger at National team mainstays Jayson Castro at Troy Rosario sa 12-man lineup ni coach Yeng Guiao na isasabak kontra Iran sa fifth window ng 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers.

Alas-7:30 mamayang gabi ang tipoff sa MOA Arena, parehong venue nang matikman ng Team Pilipinas ang masaklap na 92-88 upset loss sa Kazakhstan noong Biyernes.

Must-win ang Filipinos (5-4) kontra Iran­ians (6-3) para paypayan ang tsansang humabol sa World Cup.

Nasa third place ng Group F ang Pilipinas kabuhol ang Japan, sa likod lang nila ang Kazakhstan (4-5).

Top 3 ng Groups E at F, kasama ang best fourth-placed team ng dala­wang grupo, ang aabante sa World Cup.

May dalawang laro pa ang Filipinos – kontra Qatar at Kazakhstan sa final window sa February.

Kahapon ay inilabas na ng Samahang Basketbol ng Pilipinas ang final roster kontra Iran.

Nawala si Pringle at ang kanyang pasabog na 29 points kontra Kazakhs, ang hustle at karagdagang height ni Standhardinger ang pinalit bilang natura­lized player ni Guiao.

Tapos na ang three-game suspension nina Castro at Rosario mula sa FIBA, binalik din sila ni Guiao.

Nawala ang isang big na si Greg Slaughter, si Standhardinger ang makakatuwang ni June Mar Fajardo sa paint. Makakasama nila si Beau Belga.

Kumpleto pa rin ang shooters, balik ang mga galing digmaan kontra Kazakhs na sina Marcio Lassiter, LA Tenorio, Matthew Wright, Japeth Aguilar, Scottie Thompson at Gabe Norwood.

Susubukan din ni Guiao si Arwind Santos.

Bilis at tikas sa long range ang gagamitin ni Guiao laban sa Iran na sasagupang wala ang mga beteranong sina Hamed Haddadi at Nikkhah Bahrami.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy