Una sa Balita

Standhardinger balik angas sa Gilas

0 366

BAGO nagsimula ang PBA Governors Cup, nagarahe si Christian Standhardinger sa San Miguel Beer dahil sa iniindang pananakit ng tuhod.

October, nai-trade ang Fil-German sa NorthPort at mula nang dumating siya ay kumubra ng limang panalo sa pitong laro ang Batang Pier para tapusin ang eliminations sa No. 8.

Higit sa lahat, nakapasok pa ang Batang Pier sa semifinals nang lusawin ang twice-to-beat ng top seed NLEX sa quarterfinals.

Nasa unahan ng atake si Standhardinger,­ bahagi ng ani Road Warriors coach Yeng Guiao ay “three-headed monster” ng NorthPort kasama sina import Michael Qualls at do-it-all forward Sean Anthony.

Sa do-or-die match kontra Road Warriors na natapos sa 126-123 triple-overtime win ng NorthPort, nag-log si Standhardinger ng PBA record na 61 minutes, 02 seconds – pinakamahabang laro sa locals.

“I don’t think I played this long but I’m doing a good job in my diet and I’m in tip-top shape so I’m happy,” anang 6-foot-8 big man. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy