Una sa Balita

Standee ng namayapang ina bitbit ng anak sa graduation

0 446

KATUPARAN sa p­anga-rap ang ginawa ng isang college g­raduate nang ‘isama’ nito sa kanyang graduation ang ina kahit pa namayapa na ito.

Nag-viral sa Twitter ang post ni Paulo John Alinsog kaugnay sa larawan nila ng kanyang namayapang ina na pinagawan niya ng life-sized standee.

“To my most beautiful mother! Ma, your eldest has graduated I hope you’re happy in the presence of God. I finished school because this is what you wanted. I love you very much,” caption ni Alinsog.

Nagtapos ito ng Business Administration mula sa Lyceum of the Philippines at ginanap ang kanilang graduation ceremony noong Martes sa Philippine International Convention Centre sa Pasay City.

Sa isang panayam kay Alinsog, kinuwento nito na pangarap niyang makasama ang kanyang ina sa pagtatapos sa kolehiyo, gayunman 2016 umano nang masawi ito dahil komplikason sa pneumonia.

Pinagawa umano niya ang standee upang mabigyang p­agpupugay ang kanyang ina na s­ingle parent.

Pakiramdam umano niya kasama niya ang kanyang ina dahil sa pagsama sa standee nito.

Umani naman ng papuri sa social media ang ginawa ni Alinsog at marami ang humanga sa pagmamahal sa ina na ipinakita nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy