Una sa Balita

Stalzer, Perez kinabayo ang PLDT

0 242

Semis Game 2 bukas:

(FilOil Flying V Centre)
4:15 p.m. – Petron vs Cignal
7:00 p.m. – F2 Logistics vs PLDT

NAGSANIB-PUWERSA sa opensa sina import Lindsay Stalzer at MJ Perez upang tulungan ang F2 Logistics Cargo Movers na kalusin ang PLDT Fibr Power Hitters 25-14, 18-25, 25-16, 25-22 sa Game 1 ng Philippine Superliga Grand Prix semifinals kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Kumayod si former Most Valuable Player (MVP) Stalzer ng 24 attacks, tatlong service aces at dalawang blocks upang ipuro ang Cargo Movers sa pagsampa sa championship round.

May tsansa sanang makahirit ng deci­ding fifth set ang Power Hitters, lamang sila ng dalawang puntos 19-17 pero nakahabol ang F2 Logistics matapos uminit ang opensa nina Perez at Stalzer.

Tabla ang iskor sa 22-all pero humataw ng tatlong sunod na kills si  Stalzer upang tapusin ang laban at makauna sa kanilang best-of-three match sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

Sumampa sa semifinals ang Cargo Movers matapos nilang patalsikin sa do-or-die quarterfinals ang Foton Tornadoes.

Makakalaban ng mananalo sa pagitan ng F2 Logistics at PLDT ang magwawagi sa Petron-Cignal match. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy