Una sa Balita

Stalzer, F2 kakapit sa No. 2

By
0 234

Standings W L
Petron 8 0
F2 Logistics 6 1
Cignal 5 3
United VC 4 3
PLDT 4 4
Sta. Lucia 2 6
Generika-Ayala 1 7
Foton 1 7
Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
2:00 p.m. – PLDT vs Foton
4:15 p.m. – Cignal HD vs Generika-Ayala
7:00 p.m. – United VC vs F2 Logistics

PUNTIRYA ng last year’s runner-up F2 Logistics na patibayin ang kapit sa No. 2 spot pagharap nila sa mapanganib na United Volleyball Club sa Philippine Superliga Grand Prix sa Filoil Flyin­g V Centre.

Tangan ang 6-1 karta, babanggain ng Cargo Movers ang United VC sa alas-7:00 nang gabi.

Humarurot ng limang sunod na panalo ang F2 Logistics bago lumasap ng talo nang makalaban ang defen­ding champion Petron Blaze Spikers 25-23, 14-25, 22-25, 18-25.

Bumangon agad ang Cargo Movers sa pagkakadapa, kumayod si import Lindsay Stalzer upang akbayan ang F2 Logistics sa 25-20, 25-21, 25-19 panalo kontra PLDT.

May tatlong Grand Prix titles at dalawang Most Valuable Player awards si Stalzer na nagtala ng 19 points sa kanilang panalo laban sa PLDT sa event na suportado ng Asics, Mueller, Mikasa, Senoh, Team Rebel Sports, Bizooku, UCPB Gen, Cocolife, Hotel Sogo at Data Project.

“We lost to Petron, but we recovered quickly against PLDT,” saad ni F2 Logistics coach Ramil de Jesus.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy