Una sa Balita

Stakes races harurot ngayong Mayo

By
0 238

HALOS sunod-sunod nang pasisibatin ang mga stake race ngayong Mayo, isa na rito ang “Four-Year-Old & Above Open” na ilalarga sa May 19 sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Ang mga nominado sa nasabing derby ay sina Certain To Win, Eugene Onegin, Haring Bastos, Hitting Spree, Kingship, Pangalusian Island, Princess Eowyn, Sooner Time at Tap Dance.

Tinatayang P500,000 ang guaranteed prize, P300,000 ang mapupunta sa owner ng mananalong kabayo, P112,500 sa second, P62,500 sa third at sa fourth ay P25,000.

Tatanggap din ng P15,000 ang winning breeder sa karera na may distansyang 1,600 meter race.

“Mga ganitong buwan ay talagang sunod-sunod na ang stakes races, hanggang December na ito kaya masaya ako dahil makakapanood tayo ng mga magagandang labanan ng mga kampeon at future champs,” masayang hayag ni Loreto Cortez, isang karerista. 

Pagkatapos, aabangan naman ng mga karerista ang PCSO Special Maiden Race (3YO Open) na patatakbuhin sa May 25 (Sabado) sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Kinabukasan araw ng Linggo (May 26) ay ang pinakahihintay na 1st leg ng Triple Crown Stake Race na ilalarga sa pista rin ng San Lazaro.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy