Una sa Balita

Staff yumaman sa tongpats sa kampanya

0 426

MISTULANG tumama raw sa jackpot itong staff ng kandidato matapos na kumita ng malaking halaga mula sa pag-organisa ng mga campaign rally.

Nakarating sa impormasyon ni Mang Teban na bawat campaign rally, tumataginting na P1.2 milyon ang ibinubulsa ng staff dahil sa bloated na budget.

Sa dami ng campaign rally na kanyang inorganisa, pa­nay naman ang kabig ng kumag.

Hindi raw malayo na makabili ng condominium ang staff o kaya ay isa pang maga­rang sasakyan.

Nabisto raw ang ginawang panggugulang ng staff pero mukhang walang gagawing aksyon dito dahil sa patay malisya lamang ang amo nitong mambabatas.

Pintahan n’yo na. Ang staff ay nagtatrabaho sa mambabatas na muntik ma­talo sa nakaraang halalan. May letrang M sa pangalan ng staff at A naman sa kanyang amo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy