Una sa Balita

Staff ng senador namumuro sa libel

0 369

MINSAN sa politika, nababasa agad ang galaw ng mga desperado. Pumuputak-putak kapag naiipit. Nag-iimbento ng istorya. Nagha­halungkat ng mga lumang isyu na dati pa’y nasagot na.

Tatlong linggo na lang kasi ang natitira bago mag-halalan. At ang kampo ng mga desperadong OD ay sumasaklolo sa mga troll army ng kanilang mga kaalyado.

Tulad ng isang staff ng senador, aba’y hinimok ang kanyang mga Facebook follower na ‘wag iboto ang isang kandidato, na nangunguna sa survey. Nakatanggap raw kasi si kandidato ng P60 milyon para pabilisin ang batas tungkol sa paghahati ng isang mahabang probinsya.

Ang siste, hindi mapatunayan ni staff ang sinasabi niyang panunuhol. Maglalabas kuno ng expose, pero ang hubad na katotohanan ay nag-iimbento lang ng istorya.

Marahil ay naisip din ng kumag na sasabit siya sa inimbentong kuwento kaya pinabura niya ang pinost sa social media account, pero ang malas niya ay may nakakuha na pala ng screenshot nito.

‘Di tayo magtataka kung maihahabla itong staff na ‘to dahil sa paninirang puri. Sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, mukhang ito na raw ang ikalawang beses na sumabit ang staff.

Pintahan n’yo na. Hindi masyadong kilala ang staff pero nagtatrabaho siya sa senador na may letrang R sa pangalan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy