Una sa Balita

Staff ng mambabatas nakabili ng condo sa raket

0 570

Habang rumaraket ang isang mambabatas, sumabay din sa pagpapayaman ang kanyang pinagkakatiwalaang alalay.

Sa nasagap na impormasyon ni Mang Teban, kumita daw ang alalay sa mga politiko noong nakaraang taon.

Sa laki ng kinita, aba’y nakabili pa daw ng condominium unit ang mokong sa Metro Manila.

Alam kaya ng kanyang misis ang biniling condo mula sa kanyang kinita sa mga under the table noong nakaraang taon?

Ang tsismis kasi, dito dinadala ng alalay ang kanyang other woman na isang mestiza at makalaglag brief ang kaseksihan.

Hindi raw sinisita ng mambabatas ang ginagawang kalokohan ng kanyang alalay dahil sa napapakinabangan naman niya ito sa ibang bagay.

Pintahan n’yo na. Hindi masyadong kilala ang alalay pero ang boss niyang mambabatas ay may letrang L sa kanyang pangalan, as in tinamaan ng Langka ang mukha.