Una sa Balita

ST Queen Gretchen aagawin ni Julia

0 598

Suportado ni Marjorie Barretto ang “I Am Free” ng anak na si Julia Barretto ngayong 23 year old na ito.

Birthday ni Julia nitong March 10, at may pa- “In this chapter of my life, I am FREE.Free to speak. Free to act. Free to feel. Free to love. Because this time, I am choosing ME” ito.

Siyempre, naiisip agad ng karamihan ang isyung pinagdaanan nito last year that involved her, Bea Alonzo and Gerald Anderson. Since sinabi ni Julia na she’s free to speak, may aaminin na rin daw kaya ito with regards to the real-score with Gerald?

Kasabay ng caption ni Julia ang mga pa-sexy photos niya. Kaya naniniwala kaming may konek na rin sa mga roles na gagawin niya which is, nagsisimula na nga rin siyang magpa-sexy at mature roles talaga.

Papayag kaya si Julia kung may magsasabi na she’s like her auntie, Gretchen Barretto na mga sexy & daring roles din ang ginawa noon? ‘Di ba nga, ST Queen ang naging title ni La Greta noon?

Bilang ina, sa post ni Marjorie, proud ito sa kung ano ang mga naging choices ng anak. Kung paano raw napaglabanan ni Julia ang mga trials nito last year. Ga­ling na rin kay Marjorie na nag-shut off from the outside world daw ang anak.

Miss na si Nora: Lotlot ayaw nang makasama si Pilita

Nakakatuwang makita na present sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher sa naging contract signing ng anak nila na si Diego Gutier­rez bilang bagong artist ng LVD Ma­nagement.

Kasama rin ni Lotlot ang mister na si Fadi El Soury. Para silang magkakaibigan na lang talaga na nagkukuwentuhan, nagtatawanan.

Kinuwento nga ni Lotlot paano pinasok na rin ni Diego ang showbiz since, reluctant talaga ito at basketball ang totoong passion.

“We had a talk kasi, then I asked him, sure ka na ba you want to try?

And he said, yes mom, sabi ko, sige, I’ll talk to Leo (Dominguez). I asked them if okay lang ba sila, if they’ll be interested to handle him.

“And they said, yes, of course,” lahad ni Lotlot.

Tulad nang pahayag ni Diego, singin­g at endorsements muna raw ta­laga ang gusto nito. Mahiyain daw ta­laga ang nag-iisang anak na lalaki nila ni Mon­ching Gutierrez.

Pero kahit hindi pa open si Diego sa acting, ipag-a-acting workshop na rin daw nila ito.

“Although, ayaw niya muna talaga. Pero baka while not doing anything, ‘yon muna ang gawin niya. Nahihiya lang siguro siya.”

Okay kay Lotlot kung sakali at magkaroon ng project na magkakasama sila.

Sila pa rin ng ex-husband na si Monching, si Janine Gutierrez, Nora Aunor at Die­go.

“Oo naman, yeah,” mabilis niyang sagot.

Nang isunod namin na kasama rin sa cast si “Mamita” Pilita Corrales, hindi agad nakasagot si Lotlot at natatawang, “bakit hindi kaya si Monching ang kausapin ninyo? Hahaha!”

At saka isinunod na, “Hayaan na lang natin ‘yong bata na mag-shine on his own. Mas maganda na sa kanya nakatutok ang spotlight.”

Tatanggi ba siya kung ‘yon nga ang project?

“Aba, kung maganda talaga ang pro­ject, maganda ang story, why not? Hindi ‘yong dahil gusto lang kaming pagsamahin.

“I think with Mama Guy, tatanggapin niya basta maganda ang project.”

Sa isang banda, come to think of it, wala pa pala at-all na nag-attempt na pagsamahin pa talaga sila ng mommy niya sa isang teleserye na gustong-gusto raw sana niyang mangyari.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More