Una sa Balita

SSS pusong bato sa 2M pensioner

0 1,269

TINAWAG nina Bayan Muna chairman Neri Colmenares at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate na malupit at manhid ang desisyon ng Social Security System (SSS) na pagpapatigil sa dagdag na P1,000 kada buwan ng mga pensioner sa taong ito.

“‘Yung TRAIN Law nga maski todo pahirap na sa mamamayan, ipinatupad pa din ang second tranche, pero itong second tranche ng P2,000 SSS pension hike ay ayaw ipatupad.

Makakatulong sana ito sa mga pensioners lalo pa at ang tataas na ng mga bilihin dahil sa TRAIN Law pero ipinagkakait pa ito ng SSS,” hirit ni Colmenares.

Pusong bato aniya ang pamunuan ng SSS dahil lumilitaw na katumbas lang na P73 kada araw ang nakalaan para sa mga pensioner na kulang na kulang para matugunan ang kanilang pangangailangan.

Pinalagan din ni Colmenares ang pahayag ng SSS na malalagay sa peligro ang kanilang retirement fund kapag itinuloy ang dagdag na P1,000 sa pension.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy