Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

SSS kinuyog sa dagdag hulog

0 156

Umapela kahapon ang mga grupo ng negosyante at manggagawa kay Pangulong Rodrigo Duterte na isantabi muna ang wala sa tiyempong dagdag kontribusyon sa Social Security System (SSS).

Kabilang sa mga humirit ng suspensyon ay ang Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), Federation of Free Workers (FFW), Philippine Exporters Confederation Inc. (PECI) para naman sa panig ng mga employer ay ang Sentro ng mga Nagkakaisa at Progresibong Manggagawa (SNPM) at Trade Union Congress of the Philippines(TUCP) na kumakatawan naman sa mga empleyado.

Iginiit ng mga ito na hindi napapanahon ang nakatakdang SSS rate hike bunsod ng dinaranas na krisis ng bansa dahil sa COVID-19.

Bagamat pinayagan ng mag-operate ang ilan sa mga negosyo sa bansa matapos ang ilang buwang pagpapatupad ng lockdown, hindi pa rin anila normal ang oras ng trabaho ng karamihan sa kanila.

“Yung karamihan sa amin, alternate pa rin naman ang araw ng trabaho para makapasok ang iba tapos kakaltasan pa kami dahil sa dagdag na kontribusyon,” hinagpis pa ng mga manggagawa.

Dahil dito ay mababawasan pa umano ang kakarampot nilang sweldo na kulang pa para sa pangangailangan ng kanilang pamilya.

Samantala, suportado ng nasabing mga grupo ang desisyon ni Pangulong Duterte na suspendihin ang nakatakdang dagdag na kontribusyon ng mga miyembro sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) fund.(Mia Billones)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.