Una sa Balita

Showbiz personality mahilig mamigay ng droga?

By
0 3,273

How true na nasa watch list ngayon ang isang kilalang showbiz personality dahil sa involvement nito sa drugs?

Ayon sa aming source, naringgan daw niya sa isang event ang kuwentuhan ng isang police authority at kaibigan nito na ang pinag-uusapan nga raw ay ang personalidad na ito na under surveillance nga raw.

Hindi direktang involved sa drug deal ang taga-showbiz pero mahilig raw itong mamigay lalo na sa mga party-party. Hindi pa gaanong putok sa showbizlandia ang tsikang ito pero nakakagulat lang kung sakaling totoo ito dahil wala sa persona­lidad nito na meron siyang ganung drama sa buhay.

Ma-enjoy siya sa life, pero legal at nasa moral naman ito. Kaya nga, kahit ang aming source ay napapa-‘OMG’ sa kanyang narinig na mukhang di naman kuwentuhang kutsero lamang.

Hay buhay nga naman!