Una sa Balita

SRP sa bigas ipinatupad na ng DA

0 242

SIMULA kahapon ay ipinatupad na ang Suggested Retail Price (SRP) sa bigas sa mga lalawigan.

Kasabay nito ay mas pina­igting ng National Food Authori­ty, Department of Trade and Industry at Philippine National Police ang market check para masigurong susundin ng mga dealers at retailers ang bagong SRP gayundin ang bagong polisiya sa pinasimpleng labelling sa bigas kung saan tinanggal na ang mga iba’t-ibang pangalan sa mga bigas gaya ng Sinadomeng, Super Angelica at iba pa.

Batay sa guidelines ng DA ang Regular Milled Rice (Local) ay P39/kilo; Well-Milled Rice (Local) – P44/kilo, Premium Rice (Local) – P47/kilo, Well-Milled Rice (Imported) – P39/kilo at Premium Rice (Imported) – P43/kilo.

Matatandaan na noong October 27 ay nagpatupad na rin ng SRP sa bigas sa Metro Manila.

Paalala ni Pinol sa publiko na magsumbong kung ang kanilang binibiling bigas ay sobra-sobra sa SRP, ito umano ang paraan para masawata ang mga mapagsamantalang mga negosyante.

Sa mga mahuhuli umano na hindi nagpapatupad ng SRP at rice labelling ay maaaring patawan ng pagkakakulong ng 4 na buwan hanggang 4 na taon at multa na P2,000 hanggang P1M bukod pa sa pagkansela sa kanilang lisensya na makapag-operate.(Tina Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy