Una sa Balita

S&R employees pinag-quarantine dahil sa pagsa-shopping ni Pimentel

0 681

Isinailalim ng S&R ang kanilang mga empleyado na nagkaroon ng exposure kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel noong mamili ito sa kanila noong Marso 16,2020.

Ginawa ng management ang hakbang na ito matapos maberipika sa kanilang CCTV na nag-shopping sa nasabing petsa ang senador.

“It was confirmed that the senator was at S&R BGC on March 16,2020. CCTV footage showed him checking out at counter 13 at exactly 1:53 pm” ayon sa statement ng kompanya.

“As a result, S&R employees who were in contact with the senator were already placed in quarantine. S&R BGC also took extra disinfection steps”

Tiniyak pa ng S&R sa kanilang mga miyembro na araw-araw nilang dini-disinfect ang kanilang tindahan at sinisigurong ligtas ang kanilang mga empleyado.

Palagian din ang paglilinis ng mga shopping cart at handles, front-end belts, item shelves at registers.

Ang S&R ay pag-aari ng Filipino-Chinese businessman Lucio Co na siya ring may hawak ng Puregold.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More