Una sa Balita

Squatter’s area dapat bang may building permit?

0 326

Dear Atty. Claire,
Greetings!

May katanu­ngan lang po ako sa ating pamahalaan. Kailangan po bang kumuha ng building permit sa ginawang bahay? Squatter’s area po ito at umabot na po ng 3rd storey ang bahay. Wala pong permit ito.

Ang hagdanan po nila ay sagabal sa daanan. May karapatan po ba akong patigilin sila at ireklamo?

Pumunta po ako sa city engineering department at advise lang po nila na kumuha lang ang may-ari ng barangay permit dahil po hindi raw sila puwede mag-isyu ng permit dahil sa gobyerno po ang lupa.

Pero sige pa po ang pagpapatayo ng bahay nila kahit sagabal na sa daanan.
Lenny

Ms. Lenny,
Ang mga istruktura na ginagawa nang walang building permit ay hindi dapat pinapabayaang itayo at ipagawa. Lahat po ng nasa squatter’s area na nagtayo ng istruktura nang walang pahintulot mula sa Office of the Building Official ng isang munisipyo o lungsod ay dapat na pinapatanggal.

Nakakataka lamang po na kahit nagsumbong na kayo tungkol sa iligal na pagpapagawa ng structure ay hindi kayo pinansin at hindi man lamang pinahinto ang pagpapagawa ng building.

Dahil ang sabi ninyo ay kasama kayo sa squatter’s area ay malamang na pati kayo ay lumabag sa National Building Code.

Totoo po na hindi kayo mabibigyan ng building permit sa lupa ng gobyerno. Kailangan ninyo kasing magsumite ng proof ng inyong ligal na interest sa lupa tulad ng titulo sa lupa o tax declaration o kahit na deed of sale o contract of lease.

Kung hindi naman kayo kinikilala ng gobyerno na may karapatan kayo sa lupa tulad halimbawa kung kayo ay awardee ng NHA ay hindi kayo mabibigyan ng building permit at lahat ng itatayo ninyo sa lupa ay masasabing iligal.

Ang maaari lamang ninyong ireklamo laban sa kanila ay ang pagiging istorbo sa kinikilalang right of way. Ang kinilalang at nakagawian na right of way ay hindi maaaring hadlangan o lagyan ng harang.

Kung may katanu­ngan pa ay tumawag lamang sa 410-7624 o 922-0245 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy