Una sa Balita

Squash nabawasan ng event sa SEAG

0 311

APAT hanggang limang gintong medalya na lamang ang natirang paglalabanan sa sports na Squash matapos alisin ang dalawang itinakdang event na Jumbo Doubles at Doubles events sa isasagawa na 30th Southeast Asian Games dahil hindi aabot sa araw mismo ng kompetision ang itinatayo na court sa loob ng Rizal Memorial Sports Complex.

Ito ang inihayag ni Philippine Squash Academy President Robert Bachmann matapos na tuluyang pagdesisyunan ang situwasyon ng gaganapin nitong laro na squash sa pagho-host ng bansa sa kada dalawang taong multi-sport na torneo Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

“Jumbo Doubles and Doubles events are out. So from 6, 4 events na lang. We may add 1 more event,” sabi ni Bachmann, na nahaharap sa maraming komplikasyon matapos na unang itakda ang squash sa Rizal Memorial Sports Complex subalit nagsisimula pa lamang ang court na papasa sa World Squash Federation (WSF) standards.

‘We will be in Polo Club,” sabi pa ni Bachmann. “Kerry Sports declined.”

Ang Kerry Sports ang nagsilbing competition venue sa pag-host ng asosasyon sa SEA Cup noong Abril kung saan nagwagi ang Malaysia ng dalawang ginto at isang tanso.

Gayunman, kaya lamang ng lugar na makapagsagawa ng mga singles matches na nangangahulugan na kailangan ng host na mag-adjust sa SEA Games programme sa nais nitong maisagawa na anim na events na men’s at women singles, mixed doubles, mixed team at jumbo doubles (men at women). (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy