Una sa Balita

Sprinter Usain Bolt tatawid sa football

By
0 1,106

AYAW na sa takbuhan. Lipat na sa sipaan ng bola?

Mukhang lilisanin na ni eight-time Olympic champion Usain Bolt ang pagtakbo at papasukin na ang mundo ng football.

Taong 2017 lamang nang magretiro sa athletics ang 100m at 200m world record holder.

Sa kasalukuyang taon ay nagpakita ng interes si Bolt sa pagiging isang professional footballer.

Ang 31-anyos na si Bolt ay masugid na fan ng Manchester United, at ang isa sa kanyang former mana­ger na si Mike Phelan ay miyembro ng isang football club.

Sa kanyang matinding interes sa sport ay nakipagkasundo ang Jamaican former sprinter ng six-week stint sa Australian football team na Central Coast Mariners na lumalahok sa A-League competition.

Sabi ng club official, “If all goes well”, malamang ay pipirma si Bolt ng isang season sa koponan.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More