Una sa Balita

Sprint double kay Bolt

By
0 125

RIO DE JANEIRO — Wagi rin si Usain Bolt ng Jamaica sa athletics men’s 200-meter dash para makumpleto ang sprint double sa third straight Summer Olympic Games, pero ‘di siya kuntento sa kanyang performance.

Tudla ni Bolt na na pababain ang kanyang world record na 19.19 seconds pero ang pag-ambon sa

Olympic Stadium nu’ng Hwebes ang bahagyang nagpabagal sa winning time niyang 19.78 sa final. Tinampal niya ang kanyang mga binti pagkatawid ng meta.

Si Andre de Grasse ng Canada ang dumukwang ng silver sa 20.02 dag­dag sa bronze nya sa 100. Tersera si Christophe Lemaitre ng France sa 20.12, nasingitan si Adam Gemili ng Britain sa photo finish.

Naka-walong Olympic gold medals na si Bolt at may tsansa pang maka-siyam bilang myembro ng Jamaica’s 4×100-meter relay sa Byernes, sa misyong maisakatuparan ang triple-triple golds sa Summer Games.

“I’m always happy for the win, but I wanted a faster time,” hinaing ni Bolt, na magti-30-anyos na sa Linggo sa kabiguang mahigitan ang record. “I felt good, but when I came into the straight, my body wouldn’t respond to me. So I guess it’s just age and all the rounds that’s taken toll.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy