Una sa Balita

Sprint, bowling nag-deliver sa Para Games

By
0 139

Tinaas nina sprinter Ma. Cielo Dimain Honasan at bowler Christopher Chiu Yue ang second at third gold medals ng Pilipinas kahapon sa 9th ASEAN Para Games 2017 sa magkahiwalay na playing venues sa Malaysia.

Pinakamatulin ang 15-year-old Santiago, Botolan, Zambales native na si Honasan sa women’s 200-meter dash T44, nag-clocking siya ng 28.51 seconds. Pinakain niya ng alikabok ang nakuntento sa silver-bronze na sina Indonesian Karisma Evi Tiarani (31.12) at Vietnamese Nguyen Thi Thuy (33.07) sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur.

Umiskor naman si Yue ng 1239 pinfalls para manaig laban kina Malaysians Mohd Azrin Bin Rahim (1216) at Abu Bakat Bin Nyat (1211) pa-tenpin bowling gold sa Bandar Sunway sa Petaling Jaya, Selangor.

Sumabak din ang mga Pinoy na sina Angelito Guloya (1011), Rufo Tablang (990) at Benjamin Ramos (940) sa event pero nagkasya lang sa seventh, eighth at 14th places.

Ang tagumpay ni Honasan ang pinakamakinang lalo’t unang salang pa lang niya rito sa 11-nation, biennial sports extravaganza na para mga differently-abled athletes.

“My dream is to compete and win here and I’m glad I got the chance to fulfill it,” bulalas ni Honasan, nangibabaw sa heats sa fastest time na 28.55, tatlong segundo ang agwat sa nasa likuran niya.

Susubukan niyang ma-sweep ang sprint races sa pagtakbo ngayon sa century dash at sa 400m bukas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More