Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Spox sa mga Pinoy na nag-rally: Kakahiya kayo! BBM binulaga ng protesta sa Australia

0 119

Pinatutsadahan ni Atty. Vic Rodriguez, spokesman ni presumptive President Ferdinand Marcos Jr. ang mga Pilipino sa Australia na nagprotesta sa kanyang pagbisita sa nasabing bansa.

Sa press briefing ay kinumpirma ni Rodriguez na pumunta si Marcos at kanyang pamilya sa Australia para sa kinakailangang bakasyon.

Nang kunan ng pahayag kaugnay ng mga Pilipino na nagsasabi na hindi welcome doon si Marcos, sagot ni Rodriguez “nakakahiya, bilang Pilipino nakakahiya.”

“Hindi ugali ng Pilipino hiyain at pahiyain ang kapwa niya Pilipino sa isang bansa na hindi naman Pilipinas. I think the best authority or person to say whether he is welcome or not are the Australian go¬vernment not fellow Filipino na nandon lang din punong-puno ng poot at pait ang puso,” sabi ni Rodriguez, spokesperson at chief of staff ni Marcos.

Iginiit ni Rodriguez na “wala sa kaugalian nating mga Pilipino ang hiyain ang kapwa mo Pilipino sa ibang bansa. Ang Pilipino ay kilala na nagtutulungan mababait tayo, huwag n’yo hong gawin ‘yan sa ibang bansa, sa ibang bayan. Wala ho kayong ibang agenda kundi palaganapin ang inyong poot at pait sa inyong puso. Hindi po ganyan ang Pilipino.”

Sinabi ni Rodriguez na nakausap na ni Marcos si Australian Prime Minister Scott Morrison na bumati sa panalo ng susunod na pangulo ng Pilipinas at sa mapayapang pagdaraos ng halalan.

Uuwi umano si Marcos sa Huwebes.

“Again it’s a private visit a private trip at nais lang nilang i-enjoy ‘yong mga nalalabing araw bilang pribadong mamamayan at bago pormal at opisyal na manungkulan si President-elect Bongbong bilang pinuno at pangulo ng ating bansa,” dagdag pa ni Rodriguez. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.