Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Sports Summit ng GAB lalarga

0 70

Tunay na kaabang-abang sa darating na Setyembre 29 ang ikatlong Philippine Professional Sports Summit ng Games and Amusements Board sa pagbisita ng ilang mga bigating panauhin.

Ibinahagi ni GAB chairman Baham Mitra nitong Huwebes sa “Usapang Sports on Air” via Zoom ng Tabloids Organization in Philippine Sports ang ilang mga aabangang panauhin sa sports summit.

Eeksena sa sports summit, may temang “Professional Sports Through the Pandemic: The Now and Future Directions”, bilang mga guests of honor sina Senator Bong Go, Sen. Sherwin Gatchalian, Sen. Pia Cayetano, Sen. Joel Villanueva at Cong. Jericho Nograles.

Related Posts

Magsisilbi naman bilang resource speakers sina Ricky Palou ng PVL, Atty. Paul Elauria ng PCAP, Mohamed Shariz ng PGTI-Golf, Atty. Edwin Gastanes ng PFL, Steven Uytengsu ng Ironman Triathlon at iba pa.

Iniimbitahan ni Mitra ang lahat, mula sa weekly sports program na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at ng GAB, na makiisa sa nasabing third Philippine Professional Sports Summit virtual edition. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.