Una sa Balita

Sports Journalism seminar iikot sa Pilipinas — Ramirez

0 278

IIKUTIN ng Philippine Sports Commission ang mga probinsya upang turuan ang mga campus writer ng kasanayan at bigyan ng kinakaila­ngang seminar sa sports journalism.

Sinabi ni PSC Chairman William “Butch” Ramirez na ang Campus Journalism program ay nakatutok sa pagbibigay ng mga kasanayan at kaalaman sa mga campus writer.

“We want them to know that sports helps in nation building. Through sports journalism, naise-share nila ang honors at prestige na nakukuha ng mga batang atleta na hindi lamang nakakatulong sa kanilang mga sarili kundi pati na rin sa ibang bata at sa mga ins­titusyon ng edukasyon,” sabi ni Ramirez.

Unang isasagawa ng PSC ang ‘Sports Journa­lism for the Youth’ seminar sa Davao Christian High School sa Davao City sa Abril 24-26 bago ganapin ang kada taong 2019 Palarong Pambansa. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy