Una sa Balita

Sports high school itayo — Angara

0 165

PARA makapag-produce ng world-class athletes, dapat sanayin na sa murang edad ang mga batang may potensiyal na maging mahusay.

Ito ang sinabi ni Senador Juan Edgardo Angara kaya’t inihain niya ang Senate Bill 330 na naglala­yong magtayo ng Philippine High School for Sports (PHSS), isang educational institution na tututok sa paghubog ng mga batang atleta kasabay ng pagbibigay ng dekalidad na secondary education.

“Hindi tayo magkakaroon ng mga gold medalist sa Olympics at wala din tayo pag-asa na magkaroon ng Pinoy sa mga premyadong liga tulad ng NBA at MLB kung hindi natin seseryosohin ang pag-train sa ating mga atleta,” ani Angara.

“We are all waiting for the day when we will be able to watch more of our homegrown athletes competing at the world stage and seeing them bring home glory for the country.”

Inihain ni Angara ang panukala kasunod ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address na kanyang sinusuportahan ang pagtatag ng National Academy for Sports para sa mga estudyante sa high school.

Sabi ng senador, ang pagtayo ng PHSS ay makakatulong sa bansa para makaipon ng mas maraming atleta para sa National Team.

Noong 17th Congress, itinulak ni Angara ang pag-apruba sa Republic Act 11214 o pagbubuo ng Philippine Sports Training Center (PSTC). (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy