Sports for Free balik-QCMC

By

Balik na ulit sa tatlo ang mga darayuhin ng mga taga-Metro Manila na Philippine Sports Commission 5th Laro’t Saya sa Parke-Play and Learn Sports for Free (PSC-LSP-PLSF) 2017 sa paglulunsad sa Sabado, Hulyo 22, ng umaga sa pangatlong venue na pinakamalaking Rotonda sa bansa – Quezon City Memorial Circle (QCMC).

“Yes, all set na po tayo sa Circle (QCMC),” wika ni PSC-LSP-PLSF Manila Coordinator Julia ‘Dole’ Lllanto ukol sa matagal nang naantalang programa sa naturang siyudad. “’Yung mga nagtatanong sa atin na taga-QC, eto na po mayroon na kayong regular ulit na venue para matuto ng basic sports at magpapawis ng libre.”

Hinirit niyang naka-675 ang mga nakisaya sa programa kahapon sa Burham Green grounds sa Luneta na kinatampukan ng 329 sa zumba, 99 sa badminton, 66 sa chess, 53 sa football, 48 sa lawn tennis, 45 sa volleyball, 16 sa karatedo, 12 sa sepak takraw, at pitong senior citizens.

Nabatid naman kay PSC-LSP-PLSF San Juan City Coordinator Jeanette Bulda-Dinglasan na 403 ang mga dumayo kamakalawa (Sabado) sa Pinag­labanan Park-SJC Hall grounds para rin sa yugto roon ng proyekyo na may temang ‘Pagmamahal sa Inang Bayan, Sports para sa Pagbabago’.

May 149 ang mga nag-zumba, 102 ang nag-running (athletics), 39 ang nag-badminton, 34 ang sr. citizens, 30 ang nag-arnis, tig-20 ang mga nag-boxing at ang mga nag-volleyball, at siyam ang nag-ground golf. 

SHARE