Una sa Balita

Sports climber Verosil, top Pinoy performer

By
0 720

Nakaabot sa semifinals ang siyam sa 12 players na pinadala ng Sports Climbing Association of the Phi­lippines sa Asian Cup Bouldering and Speed 2018 sa Rajamangola National Stadium ng Siam Square sa Bangkok, Thailand noong Hunyo 15-18.

Binanda ni Gerald Verosil ang porma na nagtoka sa kanyang katawanin ang bansa sa 18th Asian Games 2018 sa parating na Agosto 18-Setyembre 2 sa Jakarta at Palembang, Indonesia, nang maging top Filipino finisher na nakarating ng semis.

Lumagak siyang pampito sa pagtrangko sa tatlong iba pa sa semis sa men’s bouldering na nilahukan ng 36 kung saan ika-9 si Iman Mora, ika-12 si Zoren Legaspi at ika-16 si John Joseph Veloria. Hanggang qualification lang sina Emilio Gomez na ika-27, at ika-28 si Glenn Lominoque.

Sa 23 kalahok sa ­women’s bouldering na nakapalaot sa semis, 8-9-12-18-20 sina Liana Nicole Mora, Mhik Tejares, Joanne Ala, Rochess Suarez at Jovelle Pua.