Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Spoelstra mahal ang Amerasian

0 282

HINDI napigilan ni National Basketball Association coach coach Erik Spoelstra ng Miami Heat na ipahayag ang saloobin sa mga nagaganap na Anti-Asian Violence, pinakahuli ang bayolenteng pamamaril sa isang lugar na madalas puntahan ng grupo ng American-Asian sa Atlanta, Georgia.

Mula sa Pilipinas ang ina, nagpaabot ng pagkabahala at pakikiramay si Coach Spo bago ang laro ng Heat at sa nagaganap na nationwide spike ng anti-Asian violence.

“Look, I am Asian American. I’m proud to be Asian American. And seeing what’s happening, with another just outright form of racism and hatred, it really is sickening. It breaks my heart. It is despicable,” litany niya.

Unang naghinagkis si 2019 Southeast Asian Games at Philippine record holder women’s pole vaulter Natalie Rose Uy sa katulad na emosyon at pakiramdam sa mga pag-aatake sa mga Asyano o Amerasian. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.