Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Spoelstra dale ika-600 panalo

0 197

IGINAPANG nina Jimmy Butler at Bam Adebayo ang 116-111 win ng Miami laban sa San Antonio nitong Miyerkoles para iregalo kay Fil-Am coach Erik Spoelstra ang 600th win ng career.

Nagtistis si Butler ng 29 points, 8 rebounds at 6 assists, sinegundahan ng 21 markers at 11 boards ni Adebayo. May tig-18 points pa sina Kendrick Nunn at reserve Dewayne Dedmon at Goran Dragic. May sahog na 9 rebounds si Dedmon, 7 assists kay Dragic.

Nakatipon na si Dragic ng 2,004 dimes sa Miami carer, pinantayan si Mario Chalmers sa third-most ng team history.

Nagkasa ng nakakangilong 17-0 run ang Heat sa second half bago kumapit sa panalo.

Si Spo ang 27th coach sa NBA na nakapagsalansan ng 600 regular-season wins, at pang-anim na nakagawa nito sa iisang prangkisa lang. Pinasalamatan niya sina Heat president Pat Riley at general manager Micky Arison.

“It’s humbling,” bulalas ni Spoelstra. “Obviously, I always think about Pat ang Micky for having this incredible opportunity to be able to coach with this franchise. I feel a great responsibility to do it the right way for something they started and created.”

Kumakapit sa No. 7 sa Eastern Conference ang Heat (33-30), kabuhol ang No. 6 Celtics (33-30) at isang laro lang sa likod ng No. 5 Hawks (34-29). (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.