Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Spo liyamadong Coach of the Year

0 37

PABORITONG magwagi ng 2021-2022 NBA Coach of the Year award si Miami Heat coach Erik Spoelstra na mamumuno sa kanyang star-studded lineup sa darating na season sa Oktubre.

Ayon sa NBA experts ng ESPN, matunog na masungkit ni Spoelstra ang nasabing award na nabigyan ng 23 points o 5.6 first-place votes.

Pumapangalawa para sa prediksiyon si Brooklyn Nets coach Steve Nash, pangatlo si Boston Celtics mentor Ime Udoka.

Pang-apat sa listahan si Utah Jazz tactician Quin Snyder at panglima si Memphis Grizzlies coach Taylor Jenkins.

Noong nakaraang season, maagang umeksit ang Heat sa Eastern Conference playoffs makaraang mawalis ng Milwaukee Bucks.

Kaabang-abang naman ang ipapakitang performance ng Heat sa nalalapit na season kung saan magtutulungan para sa koponan sina Jimmy Butler, Bam Adebayo at Kyle Lowry. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.