Una sa Balita

‘Split ek-ek’ nina Alden-Maine bentang-benta pa rin sa fans

By
0 3,591

Hindi pa man, pero marami na ang umaasa sa mga tagahanga ng birthday boy na si Alden Richards na sana nga raw siya talaga ang mapili na gaganap sa papel na Captain Yoo Si-jin sa Tagalog adaptation ng Korean hit na Descendants of the Sun.

Ayon sa kanila, bagay na bagay ito sa kanilang idolo na kahit wala pang confirmation sa cast ng nasabing adaptation, bongga nga raw ito para sa kanyang career.

Para rin sa kanila, isang napakagandang birthday gift ito sa kanilang idolo na kahit nagbigay na rin ng teaser na may gagawin siyang teleserye this year, ay walang nakakaalam kung ito nga ang sinasabi niya noon sa Thanksgiving party para sa press people.

Anyway, naging trending topic naman ang pagbati sa kanya ni Maine Mendoza noong Martes dahil nga birthday niya na kung saan ginawa ulit ang popular na split screen na batian nila na siyang naging uso noong nagsisimula pa lamang ang kanilang teleserye.

Siyempre, hindi pa rin mawala ang all-time wishes naman ng AlDub Nation na ang ending ay silang dalawa pa rin ang magkakatuluyan.

‘Yun na!