Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Spinach-Artichoke Pork Tenderloin

0 88

Sa Amerika, huwag kang magtatangkang magdala ng anumang pork products dahil tiyak na haharangin ka ng kanilang Customs officer. Nangyari ‘yan sa akin nang magdala ako ng mga pork chicharon. Mabuti na lamang, tinanong muna ako ng Filipina-American Customs officer kung may dala ba akong pork products at inamin ko namang may pork chicharon sa maleta ko.

Bawal ang magpasok ng anumang pork products sa US dahil nangangamba silang may makapasok na African Swine Fever at maapektuhan ang kanilang mga baboy. Ang penalty para sa magpapasok ng anumang pork products? $500!

Ang karne ng baboy dito ay malalaki at malinamnam. Tamang-tama sa ating ibabahagi ngayon na Spinach-Artichoke Pork Tenderloin.

Kailangan lang ng:

1 lb. pork tenderloin

1 tasang artichoke at spinach dip – paghiwalayin sa magkaibang lalagyan para sa panimpla at para sa pangluto

1/4 tasang arina

Related Posts

3 kutsarang canola oil

1/2 tasang reduced-fat milk

1 tasang baby spinach

Hiwain ang pork tenderloin ng tig isang pulgada ang kapal. Isawsaw ang karne ng baboy sa 1/2 tasa ng artichoke at spinach dip at sa arina.

Painitin ang isang kawali ng nasa medium high ang apoy. Makalipas ang dalawang minuto, ilagay ang mantika sa pan, iprito ng tig-3 hanggang 4 na minuto ang bawat batch ng karne hanggang maging golden brown. Tanggalin sa kawali.

Ilagay sa kawali ang gatas, 1/2 tasa ng artichoke at spinach dip, at ang baby spinach. Lutuin sa mahinang apoy ng 2 hanggang 3 minuto, hahalu-haluin, hanggang lumapot ang sauce.

Isilbi na ang inyong pinritong pork tenderloin at ang sauce.

Leave A Reply

Your email address will not be published.