Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Spider-Man’ bet mag-host ng Oscars

0 58

Walang makakapigil sa Academy Awards na tuloy ang pamimigay ng parangal sa March 27 sa Dolby Theatre in Hollywood, California.

Last year, ginanap ang Oscars sa historic Union Station train station in downtown Los Angeles at small crowd of nominees at guests ang pinayagang um-attend.

Ang Walt Disney Co. and ABC network ang siyang may hawak ng live airing ng Oscar Awards. At ayon sa ABC Entertainment President Craig Erwich, may napili na silang maghu-host ng awards night.

Tatlong taon kasing walang napiling host ang Oscars at naging dahilan iyon ng pagbagsak sa ratings noong 2019, 2020 at 2021.

Maraming netizen ang nagsa-suggest na kuning host for this year’s Oscars ay ang box-office star na sina Tom Holland at Zendaya dahil sa huge success sa global box-office ng Spider-Man: No Way Home.

Nang makarating kay Holland ‘yung request ng netizens, sagot niya ay: “I would love to host the awards. If they ask me to, I would, and it would be very fun.”

Mga huling nag-host ng Academy Awards ay mga comedians na sina Jimmy Kimmel, Chris Rock at Ellen DeGeneres.

Nominations for the Oscars will be announced on February 8. (Ruel Mendoza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.