Una sa Balita

‘Spider-Man’ animator tubong Cavite

0 462

Isa na namang Pinoy ang nagpakita ng husay at ipagmamalaki ng bansa dahil sa pagiging bahagi ng pelikulang ‘Spider-Man: Into the Spider-Verse’ ng Sony Animation Pictures.

Bahagi ng nasabing pelikula ang Pinoy animator at tubong Cavite na si Louie del Carmen bilang story artist. Nag-aral si Del Carmen ng Commercial Arts sa University of Santo Tomas, ngunit bago humantong sa ganitong estado, dumaan muna siya sa iba’t ibang trabaho.

Sa isang panayam, ibinahagi nito ang karanasan bilang DJ ng isang FM radio station at nagtrabaho din sa advertising agency bago maging character designer sa Hollywood animation studio noong 1995.

Bukod sa nasabing pelikula, naging bahagi rin si Del Carmen ng mga TV show na ‘Rugrats’, ‘Invader Zim’, ‘Kim Possible’, ‘Dawn Together’ at ‘Dragons: Riders of Berk.’ Naging parte rin ito ng ilang DC animated movie tulad ng ‘Justice League: The New Frontier’, ‘Kung Fu Panda’ at ‘Rise of the Guardians.’

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy