Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Speedboat tumaob: 2 Pinoy, 2 Malaysian nasagip

0 65

NAILIGTAS ng Naval Forces Western Mindanao noong Biyernes ang apat na pasahero nang tumaob ang speedboat sa Sibutu Passage sa Tawi-Tawi, ayon sa report sa Philippine Coast Guard kahapon.

Sinabi ng NFWM, nakatanggap ang Littoral Monitoring Station (LMS) Bongao ng impormasyon na ang bulk carrier W-Raptor, na bumabaybay sa nasabing lugar ay tumaob dahil sa lakas ng alon.

Nagawa nitong makontak ang 3rd Boat Attack Division ng Naval Station Juan Magluyan sa Panglima Sugala.

Ang apat namang pasahero, dalawang Malaysian at dalawang Pinoy ay natagpuang palutang-lutang sa karagatan ng 15 oras bago sila nailigtas.

Kinilala silang sina Hassan Bin Sayadi, 59; Majid Bin Ajahun, 46; Jerry Erni, 35; at Solar De Leon, 40, na dinala Fleet Medical Team ng Naval Task Group Tawi-Tawi. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.