Speed limit sa EDSA pinabagal sa 50kph

By

Dahil sa dami pa rin na nagaganap na aksidente, plano ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na ibaba pa sa 50 kilometer per hour (kph) ang kasaluku­yang 60 kph ‘speed limit’ sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay MMDA assistant manager for planning Jojo Garcia na ipinanukala nila ito sa isang pagdinig sa Kongreso bilang isa sa paraan nila para mapababa ang nagaganap na aksidente sa kahabaan ng EDSA. 

Sa kanilang Metro Manila Accident Recor­ding and Analysis System (MMRAS) para sa taong 2016, nasa 109,322 aksidente ang naitala sa Kamaynilaan na nagresulta sa pagkasawi ng 446 na tao. 

Nasa 37.34% ng aksidente ay naganap tuwing gabi habang 62.65% ay naganap ng may araw pa.

Sinabi pa ni Garcia na inaprubahan ang panukala sa pinakahuling pulong ng Metro Manila Council (MMC) na binubuo ng mga kinatawan ng mga lokal na pamahalaan sa Kamaynilaan at siyang pinagbabasehan ng mga polisiyang ipinatutupad ng MMDA. 

SHARE