Una sa Balita

Special session sa ML sasabayan ng protesta

By
0 5

Sasabayan ng kilos-protesta ng mga militanteng grupo ang special session ng Kongreso sa Sabado para aprubahan ang kahilingan ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte na palawigin ang Martial Law sa Mindanao hanggang Disyembre 31, 2017.

“On July 22, we are calling on the people to gather at Batasan to protest the Congress special session to railroad the extension of Martial Law in Mindanao,” ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate.

Subalit tiniyak ni Zarate na dadalo sila sa special session para irehistro ang kanilang matinding pagtutol sa pagpapalawig ng Martial Law dahil apektado na umano ang pamumuhay ng mga taga-Mindanao sa Batas Militar.

Samantala, tinabla ng liderato ng Kamara ang kahilingan ng oposisyon lalo na ang legitimate minority bloc sa kapulungan na magpatawag muna ng security briefing bago ang special session.

“We will have it during the session when most members will be back in Manila since a considerable number (are) not (expected) to be back until the SONA,” ayon kay House Majority Leader Rodolfo Fariñas.

Sinabi ito ni Fariñas matapos irekomenda ni Ifugao Rep. Teddy Brawner Baguilat na ipatawag ang mga security officers ni Pangulong Duterte para bigyan ng briefing ang mga kongresista ukol sa tunay na sitwasyon sa Mindanao.