Una sa Balita

‘Special, iba ang treatment niya sa akin’ Coco masigasig sa panliligaw kay Yassi?

By
0 5,055

Natawa lang si Yassi Pressman nang diretsuhin na namin kung nanliligaw ba sa kanya si Coco Martin o natatakot lang talaga siyang i-entertain ang mga tanong tungkol sa bida ng Ang Probinsyano dahil ang dami na ngang nangba-bash sa kanya.

“Hindi, hindi po,” pagtanggi niya.

Sigurado raw na hindi siya pambansang third wheel at hindi rin siya pambansang third party kung anuman talaga ang meron sa pagitan nina Coco at Julia Montes.

“Hindi ko naman po talaga alam ang sitwas­yon nila. Hindi po ako kasali roon. Ang sa akin lang po, it’s the same as before. Kung ano po siya sa akin dati, ganun pa rin. Sa amin pong lahat.”

Walang special treatment sa kanya?

“Special, opo, special,” saad niya.

“Masasabi ko rin po na iba ang treatment sa akin and I’m always thankful to him. Palagi po akong magiging grateful sa lahat ng opportunity na ibinigay niya sa akin. So, hindi ko po sasabihin na hindi special.”

Itinanggi rin ni Yassi na dumadalaw sa taping si Julia. None that she know raw dahil hindi pa naman daw niya ito nakikita sa taping nila.

Sa isang banda, walang isyu kay Yassi kung sakali man at malayo ang maging agwat ng edad niya at ng makakarelasyon niya. Katulad na lang sa kanila ng leading man niya sa bagong VIVA movie na si Sam Milby. Twelve years ang age gap nila.

Mas malaki pa raw ang age gap ng parents niya.

“My parents, thirty years ang agwat kasi. So hindi ako naniniwala sa age matters. Mas naniniwala po ako na if you can work with the person, try. If it doesn’t work, it’s a memory in your life.”

Aminado si Yassi na crush niya si Sam noong bata pa lang siya pero itinangging habang ginagawa nila ang Ang Pambansang Third Wheel ay nagparamdam ito sa kanya.

“Buhay pa naman si Sam, bakit siya magpaparamdam. Hahaha! No po, saka kaibigan ko si Mari (Mari Jasmine, ex-girlfriend ni Sam). (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy