Una sa Balita

SPECIAL FEATURE: HALIMUYAK NI NADINE, NAKAKATARANTA, NAKAKABALIW!

By
0 113
Nadine Lustre
Nadine Lustre

Feb. 14 lang ginanap ang grand reveal ni Nadine Lustre, sa bagong negosyo niya, ang pabango, na tinawag niyang Luster by Nadine Lustre. Limited edition nga raw ito, kaya hindi kataka-takang nag-agawan na agad ang mga followers niya.

Sa grand reveal nga, sa pamamagitan ng kanyang Twitter account ay ipinakita ang video niya para sa naturang fragrance, na iisipin mo nga, na parang lingerie o undergarments ang ibinibenta niya, dahil sa kaseksihan ng dating ni Nadine sa video.

Mapang-akit na ­Nadine, na paunti-unti ay ipinapasilip ang kanyang alindog, ang makikita sa naturang video. Gandang hindi pagsasawaan, na dinagdagan pa ng nakahuhumaling na facial expressions.

At sa ganung aspeto, bagama’t sa end of February pa lang ang unang paglabas ng ‘pabangong’ ito ni Nadine, alam mong magkakaubusan na agad.

Sa mga kasabayan ni Nadine ngayon, parang siya lang ang umaangat sa ganitong level. ‘Yung tipong sinasamantala ang pagkakataon, na habang sikat na sikat ka, gamitin mo ito sa magandang paraan, na gumawa ka ng mga produktong tatatak sa pagkatao mo, na mamahalin ng mga fans mo.

Bongga rin ang tapang ni Nadine, na para maagaw nga ang atensiyon ng kanyang mga fans (although kahit naman hindi siya ­magpaka-daring ay ­talagang tututukan pa rin siya ng mga followers niya), idinadaan niya sa kakaibang style ang pagma-market, ha!

‘Yun nga, pabango ito, at hindi sexy outfit, pero ganu’n ang maiisip mo, dahil sa video niya.

Ang talino rin ni Nadine, na ang puso at utak talaga niya ang pinagagana niya, sa mga ganitong pagkakataon. Alam mong may ‘kaalaman’ si Nadine sa kung papaano ibebenta ang sarili niya, ha!

Kaya nga puring-puri siya ng ace photographer na si BJ Pascual, dahil sa pagiging hands on niya sa bagong chapter na ito ng buhay niya.

“@bjpascual: Finally!!! The first limited edition fragrance by Nadine Lustre #LusterByNadine is now available for preorder!!! So proud of @nadz­lustre for producing this product (and campaign) by herself. Galing!!!”

“I’M A LUCKY GUY!” — JAMES REID

James Reid
James Reid

At nasaan sa part na ito ng buhay ni Nadine ang boyfriend niyang si James Reid?

“@jaye.wolf: Man, I’m a lucky guy!” sagot ni James sa post na ‘yon ni BJ Pascual.

At sapat na ang komentong ‘yon ni James, para mataranta, mabaliw, at kulitin si BJ Pascual, para sabihin, kung paano, saan oorder ng ‘halimu­yak’ na ‘yon ni Nadine.

Heto nga ang mga kaaliw na komento ng mga fans nina Nadine at James:

“@habibishanah: @jaye.wolf Yeah you’re right! You are lucky to have @nadzlustre in your life. You’re both lucky to have each other! Stay strong dadi and mami. We love you!”

“@akosi_mitzhe: jusko, kala q ndi ko na makikita comment ni hayme… sarap makita tapos ung background music ‘yung Versace on the Floor.”

“@zaynarrah: Ganda!”

“@mrarsyn: GRABE!”

“@samanthacabase: Mammeh!”

“@sazz.jdc: @jaye.wolf YOU ARE!!!! Yes you are!!! Ohh Nadine!”

“@always_forever82: @jaye.wolf Complete package! You’re so lucky for having @nadzlustre in your life James.”

“@darling685: Omg mabuang ko sa comment ni Hayme. Naa-alive kog kalit waaaaahhhhh.”

“@itsmareyna: Omg. Ginalingan ni James sa pagco-comment eh!”

“@pucca116_: @bjpascual Where do we preorder?”

“@jeralfaro: Ang ganda nya kaiyak!”

“@mitareyes3: Nadine Lustre…truly an ICON!”

“@iamjoyceem: @jaye.wolf. Marry her James!! God bless you both!”

“@mashance 108: @jaye.wolf. You’re indeed lucky & blessed to have @nadzlustre.Stay in love & happy always.”

“@supcaassie: Thank you so much @bjpascual. We are grateful for you, you’re awesome sir you are the President of Photography!”

“@erin2979: @nadzlustre Mamshie please launch your own clothing line already!! I’m in awe of you and your talent. You are the next #girlboss.”

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy